Trouble sa kalsada… Napaaway ako… -Yeng C.

             

           Marami siguro ang nakakaalam sainyo na nitong kailan lang ay bumili ako ng bagong sasakyan… Sobrang saya ko kaya ishinare ko agad sa Instagram ko ang picture ng bago kong sasakyan… Ang saya ko kase after 3 years eh nasundan ko na rin yung una kong van na binili… :) Nung makita ko yung sasakyan sa unang pagkakataon eh sobrang naexcite ako ang sabi ko tungkol sa sasakyan eh.. “wow ang pogi nya..” hehehe.. at lalo tuloy ako naexcite matuto magdrive (at kailangan ko na nga pala talagang mag-enroll naalala ko lang..)

            Kahapon sa unang pagkakataon eh ginamit ko na ang bago kong sasakyan.. Una kong pinuntahan eh ang Medical City.. akalain ko ba nga naman noh? Ospital? hehehe… Nagpacheck up ako sa doctor dahil almost one week na ang paos ko from watching The Voice… Nung pumasa si Thor napatalon talon ako at talagang di ko naalalayan ang pagisgaw ko dahil sa sobrang overwhelmed… (nga pala po kapatid ko si Thor sa Cornerstone Talent Management sobrang proud po kame sakanya sana po iboto nyo sya ehhehe…) Anyways… So ayun for 4 days napuna ko na parang walang nagbabago sa pumunta ako ng Hospital at nalaman ko nga na kailangan kong magvoice rest for 7 days… as in NO SINGING, AND NO TALKING… Kung singer po kayo maiintindihan nyo po ako na sobrang nalungkot po ako.. di ko po talaga kayang lumaon ang araw na di po ako nakanta… At may mga gigs po kailangan po icancel, nakakahiya sa mga kliyente… kaya nasad po talaga ako…

            Pero sa kabila ng mejo lungkot eh dumeretso kame ng Assitant kong si Ate Tinay at Driver kong si Manong Buddy sa mall dahil nagcelebrate  kame ng birthday ni Manong Buddy nung 23 at nakalimutan namin…Kain kame tapos batian portion… Ang saya namin natapos kumain… At kahit papaano eh napawi ang lungkot ko tungkol sa sinabi ng doctor… So nagdecide na kame na umalis na at dumeretso na pauwi ng bahay…

            Traffic… Kung baga yung condo ko eh 5 mins lang from the mall, magtetake ng mga 20-30 mins sa usad pagod na traffic.. Pero cool lang naman ako… Nang biglang……. may narinig kame ni manong na tunog galing sa labas ng sasakyan ko… At may lumampas na blue na kotse… Pagtingin ko kay manong nanlaki mata nya… Sabi ni Manong Buddy “Ma’am dumaplis” .. something na ganun ang mensahe… ako rin tuloy nanlaki na ang mata ko… sabi ko ” Huh? ” Lumabas si Manong sasakyan sa gitna ng traffic at nang masilip ang gilid ng sasakyan eh kinumpirma nya  na may malaking guhit ng gasgas ang sasakyan…  

           Dahil traffic nakikita pa namin ang blue na kotse at pero pasingit singit sa mga sasakyan kahit wrong way na eh talagang pinauubra pa na singitan ang traffic… Tumigil ng tuluyan ang usad ng traffic kaya nagdisisyon si manong na bumaba at kausapin ang driver ng blue na sasakyan… Nakita ko sa hand gesture ni manong na sinasabi nyang “kailangan mong tumabi mag usap tayo” … Pagbalik ni Manong ng sasakyan nakita namin na lalong naging aligaga ang blue na kotse para sumingit sa traffic at papalayo samin hindi pagilid ng kalsada, kaya ang lungkot ko ay unti unting tumawid sa galit at tuluyan na nga nanginig ang laman ko at nawalan na ng self-control… 

           Napalabas ako ng sasakyan at naglakad sa traffic at hinabol ang blue na kotse sa usad pagong na andar ng mga sasakyan… Nung papalapit na ako nakita ko na sinisipat ako ng isang lalaki sa salamin sa gilid ng sasakyan at kinakausap ang driver… Nang nakalapit na ko sa bintana napalo ko ng malakas ng pinto ng sasakyan dahil sa galit at sinabi ko sa driver na “Kuya bastos ka.. gumilid ka nagasgasan nyo po yung sasakyan ko wala po kayong pakealam?…” lumuwag bigla ang traffic biglang humarurot ang blue na kotse at iniwan ako sa gitna ng kalsada… 

           Lalong nanginig ang laman ko at nagalit na nga ng tuluyan… bumalik ako sa sasakyan ng patakbo para mahabol namin ang blue na kotse.. Naalala ko ang mukha ng dalawang nakasakay sa kotse siguro may edad 52-56 years old dalawang lalaki na mapupula ang mata… Pero sa kabila nun parang di sumagi sa isip ko ang matakot sa galit hinabol talaga namin ang sasakyan at nakarating sa intersection at nakakita ng traffic enforcer at sinesyasan namin na parahin ang blue na kotse. Pinara ang blue na kotse at gumilid naman ito. Pagkagilid namin napatigil kame sa harap ng isang talipapa madaming tao… Bumaba ako ng sasakyan at dumeretso sa driver at pasigaw na ang bawat binitiwan kong salita.. “Kuya Bastos ka! Bastos ka! Kinausap ka kanina ng maayos na gumilid ka ginawa mo tinatakasan mo kame?!? Bastos ka ang tanda mo ganyan ang ugali mo may anak ka naman siguro kuya? Kinausap ka ng driver ko ng maayos! Bastos ka!!!!” 

            Di ko alam kung ilang beses kong sinabi sa lalaking iyon na may mapulang mata na bastos sya.. sobrang kawalan ng respeto talaga ang naramdaman ko ng mga oras na yun… Una, naapektuhan ako dahil pinagpaguran ko ang pinambili ng sasakyan… Pangalawa, pwede naman mapag-usapan pero pinili nyang humarurot at takasan ang pagkakamali na ginawa nila.

           Siguro sa sobrang init ng ulo ko eh di lang yan ang mga nasabi ko halos di ko narin matandaaan ang laha, napansin ko nalang na napapaligiran na kame ng napakaraming tao… At lumabas sya ng sasakyan… At humingi ng tawad… Ayaw pumayag ng puso ko tanggapin yung paghingi ng tawad… sobrang kitang kita ang pagkakamali na ginawa nya… Sa loob ko kung “dapat kuya kanina ka humingi ng tawad nung nakita mo na nagasgasan mo ang sasakyan… o baka naman sinadya nyo po dahil napagtripan nyo po ang sasakyan dahil nakita nyong bago…” ganun talaga ang mga tumatakbo sa isip ko kaya ayaw ng puso ko magpatawad… Sobrang hirap na hirap ako nung time na yun dahil may mas masasakit pa akong gustong sabihin pero inimpit ko nalang na di sabihin… 

             Habang nagpapatuloy sya humingi ng tawad na.. “Ma’am pasensya na po bday ko po ngayon.. Sorry ho… patawad po sa kasalanan na nagawa ko..” Eh naamoy ko na amoy alak ang matandang ito… Nakita ko sa mukha nya na may amats nga… Di ko tuloy lalo alam mararamdaman ko.. di ko alam kung narinig ba ng traffic enforcer ang sinabi kong "Kuya birthday nyo po ngayon kaya amoy alak ho kayo???" di ko alam kung ayos lang ba na magdrive ng lasing.. Basta naguluhan ako lalo sa mararamdaman ko..

            Sa tagal ng balik na sumbatan at pahingi ng tawad nagdisisyon na rin ang patawarin sya kahit di nag aagree ang puso ko…Niletratuhan nalang namin ang lisensya nya at ang sasakyan nya… 

            Pagpasok ko ng sasakyan ininform ko nalang ang mga handlers ko na sina Ate Marien at Kuya Jeff sa nangyari at tinanong nga ako ni Ate Marien at tinanong ako kung nakapag file ako ng police report.. (actually di ko na naisip yon… kaya kaninang umaga pinasuyo ko sa assistant ko) at umiyak nalang ako sa telepono… At finally Tinawagan ko ang Mentor ko na si Ate Acel… Sobrang gumaan ang pakiramdam ko… 

            Nang mahimasmasan na ko sa galit eh nagdecide na ko sa heart ko na iforgive ang matanda… Di ko alam kung sinadya nya ba na gasgasan ang sasakyan, o hindi. Hindi ko alam bakit nya nagawang humarurot sa kalsada ng ganun at naisin na takasan ang ginawa nya. Hindi ko alam.. Basta sa puso ko nagdisisyon akong patawarin sya… Mahirap pero wala na naman akong magagawa… nasabi ko na ang dapat kong sabihin at pati na nga rin ang mga di ko dapat sabihin sakanya ay nasabi ko pa…

            Sa totoo lang masakit din sakin na makita ang sarili kong naging ganun… Di ko akalain na puputok sa galit ang puso ko to the point na mawawalan talaga ako sa ulirat… At kahit anong sabihin ko eh halos kaedad ng tatay ko ang matandang yun… May mga nasabi ako sakanya na di ko na mababawi… Ang pinakamasklap dun gusto kong maging isang magandang halimbawa ng pagiging magalang at marespeto, pero anong nangayri?

             Kung pinatawad ko na si Manong na yun (di ko manlang nga nakuha ang pangalan nya)… Kailangan ko rin patawarin ang sarili ko… Dahil nagkamali din ako… Sobrang grateful ako kay God… Kase sobrang bigat ng pakiramdam ko kahapon… Pero sa presensya nya at mga taong pinapaligid nya sa buhay ko eh gumaan ang pakiramdam ko… Kung ang Dyos nga nagtawad at patuloy na nagpapatawad sino ba ako para hindi? At kung ikukumpara ko lahat ng naranasan Nyang pang aapi nung pumunta Sya dito sa lupa para maligtas tayo walang wala lang ang gasgas ng sasakyan ko… hehehe…

              I pray for that Manong na makilala nya si God … Para malaman nyang pwede magbago ang direksyon ng buhay nya… Na sa susunod na birthday nya di na nya kailangan mag-inom para maging masaya … Di narin sya susuray suray sa pagddrive ng kotse sa panahon na yun.. :)

              Ang gaan ng pakiramdam ko… SI GOD LANG MAY KAYANG GUMAWA NITO….

Natutunan ko?

“In your anger do not sin”[a]: Do not let the sun go down while you are still angry..” Ephesians 4:26 

Luke 23: 34 “Then said Jesus, Father, forgive them; for they know not what they do.”

BE BLESSED! 

Hello to Heaven!!! :)

            One favorite things to do is to worship God… I love singing to Him in my condo inside my room with the window open (its in the 27thflr of the building…) Singing fast songs and dancing and slow songs with tears most of the time… :) I just love singing to Him and just appreciating His awesomeness through music… Alot of times i also sing to Him to release my sadness or frustrations to remind myself that its not the end… that God has a beautiful plan and i will trust Him…

           So you would just know how happy I am to be a part of “HELLO TO HEAVEN: a worhip night concert” . I co-produce the concert and sang a song and that’s just it… I’m just a small part of of this night that was headed by Acel Van Ommen… she did almost everything… From choosing the songs, to the volunteers, and musicians, to the opening video, and the voice over for the video… She’s so hands-on in making this worship concert… :) I’m glad to witness how much she is so dedicated to do what the Lord placed in her heart… 

So many people helped us… :) So we want to say thank you to everyone who  volunteered “the musicians, soundtechs and lightsmen, worship leaders from different churches”, and to Ms. Barbie Almalbis… Thank you also to our Pastors, Pastor Larry, and Pastor Dennis.. :) 

To all those who came to worship God with us… thank you!!! :) 

This is just the beginning… :) We desire to tour this in the whole Philippines and OUTSIDE the Philippines.. :)

Gusto ko na nito!!!! :) New Album of OWL CITY… :)

Gusto ko na nito!!!! :) New Album of OWL CITY… :)

So happy to share my life with everyone.. :)

Reunited Prinsesas.. :)

It was really fun to play again with my band Sesa… we are an “”ALL GIRL” band who plays Contemporary Christian Music… :) I love these girls… we hope to see you in our future gigs… 

here’s a pic jason fernadez.. 

Ang sarap magkaron ng mga kapatid na di mo kadugo at iisa kayo ng pulso… Yung ikalat yung pag-ibig na nagbago sainyo lahat… magkakaiba man ng istorya pero pare-pareho ng hiwaga.. :)

ito yung video ng isa sa mga tugtog namin! panuorin nyo… :) “WALANG MATIGAS NA ULO… SA MAINIT NA PAGMAMAHAL… “

Skyping with mah gurls! heheheh!

Its my first time to skype with my disciples Auoie and Rica… :) heheheh! amazing how God works in their lives… We miss Eunice though… Next time we’ll be complete…

Just wanna share another photo…

     

:) so grateful for these young women… :) thanks Aurora…    

Girls… panuorin nyo to.. this will help you… dami nabasag sa isip ko dito… breaking the ignorance…

Rica thanks for the video…

one of my favorite compositions.. :) Thank you Lord for this song… This is for You!

Yeng Constantino testimoy during Neon (YOUTH SERVICE)… 

I’m so happy to be given an  opportunity to speak for the youth… :) thanknks Victory greenhills..

Wear Headset or earphones while watching… some parts mejo malabo…

Thanks to my disciple Rica for the video…

I’m reading this book… I’m really inspired by the people who died because they chose to STAND ON THEIR FAITH.. :)

I’m reading this book… I’m really inspired by the people who died because they chose to STAND ON THEIR FAITH.. :)